Custom Search

Thursday, September 8, 2011

An Old Man's Wish to the Blessed Virgin Mary

In the occasion of the Blessed Virgin Mary's birthday, I would like to feature a poem written by my 69-year old father pertaining to our Mother Mary. I actually encourage my father to keep on writing to keep his mind sharp and this is one of his recent poems. This poem is in Tagalog.

Wish Ko Lang Kay Maria

Sa aking paglalakbay sa dagat ng mundo
Malapit na akong gulang magpitumpo,
Tila isang pangarap, subalit totoo.
Langit ay abot-tanaw, pagkat kasama ko
Birheng Mahal na Ina ko, Ina ni Kristo.
Maalon man, mararating din sa tanglaw mo,
Mayayakap ko rin ang Sanggol na kalong mo!

Sa aking katandaan, dami naranasan,
Nakilala ko aking mga kahinaan.
Sa ina ko natutuhan, paano magdasal.
Mi pagsamba, pagpupuri, pasasalamat,
Loob ng Diyos Ama, laging nais matupad.
Patawad sa mga sala’y hiling igawad,
Samo ring matanggap mga kailangang hanap!

Wish ko lang Maria, sana Diyos ay magbigay,
Pitong kaloob ng Espiritu’y lumakas,
Sa akin at mga kapwa ko ay pumukaw.
Dunong, unawa, paghatol at kaalaman,
Tapang, lapit-loob at takot sa Maykapal,
Hatid nito ay biyayang bunga sa buhay,
Pagtitiis, pag-ibig at kapayapaan!

Happy Birthday to our Dear Mother!

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Bookmark and Share